Makalipas ang dapit-hapon…
Nanay: Toto, bumili ka ng asin sa tindahan ni Aling Nena.
Toto: Ayaw ko po, ‘Nay. Takot po ako. Kasi po, madilim na.
Nanay: Huwag kang matakot. Nandiyan si Jesus, kasama mo.
Toto: Si Jesus na lang po ang utusan ninyo.
***
Masayang namimingwit ng isda si Mael habang nagsu-swimming si Ella.
Biglang natanggal ang bra ni Mael at inanod ng agos.
Upang hindi mapahiya sa mga kaibigang lumalangoy at namamangka ay ipinantakip ni Mael ang dalawang isda sa boobs ni Ella.
Sigawan ang mga nakakita ng…
"Iyan ang tunay na TWO-FISH bikini!"
***
Bagong panganak si Monica ng isang malusog na baby girl…
Juan: Bakit ‘Pasencia’ ang gusto mong ipangalan sa anak natin?
Monica: Eh kasi, nahihiya ako sa anak natin!
Juan: Anong ikinahihiya mo?
Monica: Kasi, ginawa natin siya sa loob ng elevator!
Juan: Pasencia talaga siya, love! Pareho kasi tayong hot na hot!
***
Nag-text si senior citizen na si Celso sa kanyang textmate…
Celso: Love, nagdya-jogging ako ngayon. Feeling ko ay 30 years old lang ako.
Stella: O, sige, ingat ka, love… baka madapa ka na naman!
***
Bogs: Bakit sinasabing maramot ang tahong, talaba at tulya?
Ambo: Dahil sila ay ‘shellfish’!
***
Ambo: Bakit galit na galit ang aso sa hito?
Gorio: Dahil ang hito ay ‘catfish’!
***
Pag wala kang magawa, huwag kang tumunganga
Pag ika’y nakatunganga, bibig mo’y nakabuka
Pag bibig mo’y nakabuka, laway mo’y bubula
Pag sa ‘yo, may nakakita, gagawing washing machine ang ‘yong bunganga
***
Bading #1: Ang bastos nu’ng lalaki sa bus!
Bading #2: Bakit?
Bading #1: Idinikit ba naman sa puwet ko ‘yung ‘ano’ niya!
Bading #2: Di ba, gusto mo ‘yun? ‘Yung dinidikitan ka ng nota sa puwet mo!
Bading #1: Gaga! Kulangot ang idinikit sa puwet ko! Puro nota ang nasa utak mo!
***
Sino ang mas kawawa? ‘Yung taong iniwan ng mahal niya, o ‘yung taong nagmahal ng walang gusto sa kanya?
Pareho lang, di ba? Pero para sa akin, mas kawawa ‘yung… bulateng binudburan ng asin.
***
Contrary to popular belief, hindi ‘tapsilog’ ang paboritong almusal ng Pinoy kundi… kanin, tuyo, tinapa sa kamatis!
In short, ‘kantutinsakama!’
Nag-almusal ka na ba?
***
Hot Radio ka sa isip ko. Smile Radio ka sa mga mata ko. Love Radio ka sa puso ko…
Hay, naku! Pag ako, kinalimutan mo… Bombo Radio ang katapat mo!
***
Masakit kapag nalaman mo na ang love mo, may love na iba. Masakit isiping pinaglaruan ka lang pala niya.
Pero mas masakit isipin, pagbukas mo ng kaldero… panis ang ulam at tutong ang kanin mo!
***
Mahirap maniwala sa taong hindi mo gaanong kilala. Somehow, hindi mo alam kung nagsasabi siya ng totoo, lalo na pag sinabing mahal ka niya! At hindi ka iiwan!
Pero sa totoo lang…
Laking-Nido rin ako!
***
Pag best friend, "Hoy, bruha!" Pag close friend, "Hoy, sister!" Pag friend, "Hoy, bakla!" Pag special, "Hoy, miss!"
Pero pag ikaw…
"Hoy, bruha ka, sister! Miss na kita, bakla…"
***
Bakit may taong two-timer? Dahil ba hindi sila makuntento? Mali!
Dahil ba trip lang nila? Mali!
Kasi, kulang sa foreplay ‘yung mahal nila… kaya hinanap nila ‘yun sa iba!
***
Napaka-boring ng buhay! Minsan… nakaka-bad trip! Nakakapeste! Nakaka-leche! Pero pag tumingin na ako sa salamin…
"Hayup naman, o! Puro na nga problema, sexy ko pa rin, nakatitigas ng saging!"
***
Kapag pinakawalan mo ang mahal mo at hindi ka niya binalikan… ibig sabihin, hindi ka niya talaga love…
Pero subukan mo akong pakawalan… hindi rin ako babalik.
Kasi, hindi naman ako aalis!
Ano ka, sinuswerte?! Eh bahay ko ‘to, ‘no?!